IBINAHAGI ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na inimbitahan siya ni U.S. President Donald Trump na bumisita sa White House ngayong Pebrero 4, 2025.
Sa gitna ito ng ipinaiiral na ceasefire o tigil-putukan sa Gaza matapos ang 15 buwan na tuloy-tuloy na digmaan doon.
Kung matutuloy nga ang pagbisita ni Netanyahu sa Estados Unidos ay siya pa lang ang kauna-unahang foreign leader na inimbitahan ni Trump sa White House sa kaniyang ikalawang term.
Inihayag naman ni Netanyahu na handa siyang makipagpulong kay Trump hinggil sa mga paraan na maaaring gamitin para tuluyan nang makamit ang kapayapaan sa Israel at mga karatig-bansa.