Italian investors, hinikayat ng DOTr na mag-invest sa transpo projects ng bansa

Italian investors, hinikayat ng DOTr na mag-invest sa transpo projects ng bansa

INIMBITA ng Department of Transportation (DOTr) ang iba’t ibang Italian firms na maglagak ng kanilang investment sa transportation projects sa bansa.

Ang transport projects na iprinisenta ng DOTr ay sa ilalim ng public-private partnership scheme.

Estratehiya na rin ito ng ahensiya para maluwagan ang gastos ng pamahalaan.

Maliban sa Italian firms sakaling magkaroon sila ng investment sa bansa, may nauna na ring investments sa transpo projects ng DOTr ang Japan, Estados Unidos, at United Kingdom.

Ang mga bansa tulad ng China, South Korea, Singapore, Belgium, at Switzerland ay katuwang din ng bansa sa ibang mga proyekto.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter