Itinatayong Lagonglong Port sa Misamis Oriental, inaasahang tutulong sa mabilis na paggalaw ng agri products sa bansa—DA

Itinatayong Lagonglong Port sa Misamis Oriental, inaasahang tutulong sa mabilis na paggalaw ng agri products sa bansa—DA

UMAASA si Department of Agriculture (DA) Sec. Francisco Laurel, Jr. na ang konstruksiyon ng P4-B na Lagonglong Port sa Misamis Oriental ang magiging susi upang mas lumakas ang trade capacity sa buong Mindanao.

Inaasahan ayon sa kalihim na mababawasan ang animal feed cost ng 2.5 hanggang 5 porsiyento sakaling matapos ito sa Marso 2025 batay sa schedule.

Bababa rin ang halaga ng fertilizers ng 5 hanggang 10 porsiyento.

Maaari ding makatutulong ang Lagonglong Port para sa mabilis na pagpapatayo ng mga pabrika, at iba pang pasilidad na magpauunlad sa paggalaw ng agri products sa buong bansa.

Ang nabanggit na port ay magkakaroon ng storage facilities, at makabagong equipment para pangalagaan ang international, at domestic na perishable goods.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble