Itinutulak na sugar liberalization, tinutulan ng sugar producers

Itinutulak na sugar liberalization, tinutulan ng sugar producers

UMAAPELA ngayon ang United Sugar Producers Federation (UNIFED) kay Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na huwag pahintulutan ang sugar liberalization.

Kasunod ito sa itinutulak ni Department of Finance Secretary Benjamin Diokno na pagpahihintulot sa mga industrial user na direktang mag-import ng asukal.

Sa isang pahayag, sinabi ni Sec. Diokno, hakbang ito upang pagbigyan ang mga industrial user sa gitna ng plano ng pamahalaan na taasan ang buwis sa sugar sweetened beverages.

Ang planong ito ay mahigpit na tinutulan ni UNIFED President Manuel Lamata dahil papatayin nito ang kabuhayan ng nasa limang milyong Pilipino na umaasa sa sugar industry.

Punto pa ni Lamata, hindi rin nakonsulta sa planong ito ang sugar industry sa bansa.

Kung kaya’t, dapat lang na isaalang-alang din ang mga consumer sa hakbang na ito dahil tiyak na ipapasa lang din ng industrial users ang dagdag na buwis sa publiko.

Umaasa ang UNIFED na hindi ito papaboran ng Pangulo at uunahin ang kapakanan ng mga mga magsasaka at consumer.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter