PANGALAWA sa buong National Capital Region (NCR) ang Muntinlupa City sa Public Financial Management Assessment na isinagawa ng Department of Budget and Management (DBM).
Sa ilalim ng sistema ng Public Financial Management (PFM), layunin nitong tugunan ang mga pangunahing hamon ng pagkontrol sa paggasta ng gobyerno at paggawa ng mga ahensiya na gumana nang mahusay at epektibo.
Ayon kay Muntinlupa Mayor Ruffy Biazon, ang matagumpay na assessment sa siyudad ay patunay na naisasakatuparan ang transparency, accountability, at responsableng pamamahala sa pananalapi.
Aniya, tinitiyak nila na ang mga pampublikong pondo ay ginagastos nang maayos at epektibo.