IU magbabalik kasabay ang third installment ng “Flower Bookmark” album

IU magbabalik kasabay ang third installment ng “Flower Bookmark” album

MATAPOS makuha ang Best Drama Award sa nakaraang 61st Baeksang Arts Awards 2025 ay ready for a comeback na ang favorite K-drama actress and singer-songwriter na si IU.

Sa announcement ng singer sa kaniyang official X account last Wednesday, sinabi nito na ilalabas niya ang ikatlong installment ng kaniyang album series na “Flower Bookmark,” ngayong Mayo 27, 2015.

Inilabas niya ang first album noong 2014, at 2017 naman ang second album. Laman nito ang kaniyang pag remake ng iba’t ibang classic Korean songs na bagay na bagay rin sa kaniyang angelic voice.

Sinabi ng management company ng singer na matutunghayan sa music video ang singer-actor na si Cha Eun-woo.

Dahil dito ay mas nadagdagan pa ang excitement ng mga UAENA around the world sa upcoming album ng singer.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble