UMARANGKADA na ang ‘Iwas Paputok’ Campaign ng Bureau of Fire (BFP) ngayong holiday season.
Nitong Linggo, Disyembre 1 ay umiikot ang BFP sa kani-kanilang nasasakupan para sa ‘Oplan Paalala: Iwas Paputok 2024’ para ipaalala sa publiko na maging maingat para sa selebrasyon ng Kapaskuhan at pagsalubong sa Bagong Taon.
Pinaalalahanan din ang publiko na iwasan ang paggamit ng mapanganib na mga paputok upang manatiling ligtas at mailayo sa anumang sakuna o disgrasya.