NAPANALUNAN ni Memphis Grizzlies Standout Ja Morant ang NBA most improved player award.
Si Morant na tanging 22 taong gulang lamang ang kauna-unahang manlalaro sa kasaysayan ng Grizzlies ang nakakuha ng nabanggit na award.
Ginawa ng NBA ang nasabing award noong 1985-1986 upang kilalanin ang manlalaro na nagkaroon ng pinaka malaking improvement mula sa naunang mga season.
Nakuha ni Morant ang 28 na first-place voted at natapos itong mayroong 221 points mula sa coting panel ng mga sportswriters at broadcasters.
Pumangalawa naman ang San Antonio Spurs guard na si Dejounte Murray na may 20 na first-place votes at 183 points.