IBINUNYAG ni Filipino-Australian singer-songwriter at actor James Reid ang rason kung bakit ito huminto sa pag-aaral.
Ito ay dahil sa mga estudyanteng kumukuha ng mga stolen shots sa kanya at ibinebenta sa ibang mga bata.
Ayon kay James ay 16 taong gulang pa lamang noong una siyang dumating sa Pilipinas para mag-aral ngunit tumagal lamang ito ng ilang buwan dahil nakafeel ito ng awkwardness sa kanyang paligid.
Umani naman ng samu’t saring reaksiyon ang rebelasyon ni James at ang ilan ay nagcomment ng nafefeel daw nila si James sa kanyang pogi problems at hindi talaga ito madali.
Sa isang Twitter post humingi naman ng paumanhin ang ilang estudyante na guilty na kumukuha ng mga larawan ni James.