PINASALAMATAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Government of Japan at Japan International Cooperation Agency (JICA) sa pagiging active partners ng Pilipinas para sa pagsasakatuparan ng Metro Manila Subway Project.
Sambit ni Pangulong Marcos, higit din nitong pinasalamatan ang Japan at JICA sa iba pang tulong at suporta ng mga ito pagdating infrastructure program ng Philippine government sa mga nagdaang taon.
Sa kabilang dako, inilahad ng Minister at Deputy Chief of Mission ng Embahada ng Japan sa Pilipinas na si Matsuda Kenichi, na maituturing na “legacy project” ng administrasyon ni Pangulong Marcos Jr. ang Metro Manila Subway Project.
Sabay ibinahagi ni Kenichi na sinimulang planuhin ang subway project ng Pilipinas noong 1973 sa ilalim ng administrasyon ng yumaong ama ni Pangulong Marcos na si dating Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr.
Sa kabilang banda, muli namang tiniyak ng JICA ang kanilang buong kooperasyon, bilang reliable partner ng Pilipinas, upang maisakatuparan ang “Japan-quality” public transportation systems.
Samantala, nabanggit ni Pangulong Marcos na ang paglulunsad ng Tunnel Boring Machine ng MMSP ay isang patunay sa pangako ng kanyang administrasyon na ipagpapatuloy ang mga proyekto ng nakaraang administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.