NAGPASYA ang gabinete ng Japan kahapon, Mayo 23 na ipatupad ang mas mahigpit na mga hakbang laban sa money laundering simula Hunyo 1 upang masubaybayan ang mga transaksiyon sa mga asset ng cryptocurrency.
Mas pinalalakas ng mga organisasyong nangangasiwa ang kanilang pagsubaybay ngayon sa mga crypto assets na maaaring magamit sa mga aktibidad kung saan ang pera na nakuha mula sa mga ilegal na aktibidad ay ginagawang lehitimo sa pamamagitan ng pagproseso nito sa mga legal na transaksiyon.
Naging pangunahing panukala naman ay ang pagpapatupad ng tinatawag na travel rule upang mas mahusay na masubaybayan ang mga kriminal.
Ang panuntunan ay nangangailangan ng financial institutions na nagproproseso sa crypto asset transfer upang ipasa ang impormasyon ng customer sa susunod na institusyon at ang impormasyon ay dapat kasama ang pangalan at address ng sender at recipient nito.
Kasama sa mga target na crypto asset ang mga stablecoin o cryptocurrencies na nakakonekta sa isang currency tulad ng U.S. dollar.
Ang lumabag o hindi sumunod sa mga hakbang ng mga awtoridad ay maaring mahaharap sa kriminal na parusa.