Japan, hinikayat na pangunahan ang muling pagsasaayos ng Ukraine

Japan, hinikayat na pangunahan ang muling pagsasaayos ng Ukraine

BILANG G7 chair ay hinihikayat ng mga eksperto ang Japan na pangunahan ang muling pagsasaayos ng Ukraine.

Kasabay ng isang taong anibersaryo ng gulo sa pagitan ng Russia at Ukraine, dumarami ang panawagan sa Japan bilang chairman ng Group of Seven Countries na manguna sa suporta sa Kyiv kabilang na ang postwar reconstruction nito.

Hinihikayat din ng mga dayuhang eksperto ang Japan, bilang tanging bansa na nakaranas ng pag-atake ng atomic bombs na ipakita ang malaking suporta nito sa pag-uusap tungkol sa panganib ng nuklear na pwersa sa mundo.

Sa ngayon, non-military assistance pa lamang ang ipinapaabot ng Japan sa Ukraine dahil sa restriksyon ng mga pagpapadala ng mga armas.

Samantala, mas dumami naman ang lethal aid ng mga kanluraning bansa sa Ukraine kabilang na ang mga tangke de giyera.

Bilang G7 chair, ang pangunahing role ng Japan ay patatagin ang pagkakaisa na mag-abot ng non-lethal support para sa Ukraine habang pinipigilan ang Russia na maglunsad ng nuclear attack sa katabing bansa nito.

Follow SMNI NEWS in Instagram