Japan, magbibigay ng $1.8-B na subsidy para sa bagong battery storage

Japan, magbibigay ng $1.8-B na subsidy para sa bagong battery storage

NGAYONG araw ipinahayag ni Industry Ministry Yasutoshi Nishimura, na magbibigay ang Japan ng $1.8 bilyon na subsidy para sa isang storage battery at mga proyektong nauugnay sa chip para sa ikauunlad lalo ng bansa.

Plano ng gobyerno na magbigay ng hanggang 184.6 bilyon yen ($1.38 bilyon) na subsidy para sa 8 imbakan ng mga panukalang nauugnay sa baterya at hanggang 56.4 bilyong yen naman para sa dalawang proyektong nauugnay sa semiconductor.

Kabilang sa mga panukala na i-subsidize ay ang plano ng automaker na Honda Motor Co Ltd at ng battery maker na GS Yuasa Corp na mamuhunan ng humigit-kumulang 430 bilyong yen upang lalong palakasin ang storage battery production ng bansang Japan.

Sa isang pahayag, sinabi ng Honda, GS Yuasa at Blue Energy Ltd, na plano nilang simulan ang produksyon sa Abril 2027 at magsisimula ang mass production sa Oktubre 2027.

Magsisimula sila sa pagtatayo ng bagong planta na magtatarget sa kapasidad ng produksiyon na hindi bababa sa 20 gigawatt hours (gwh), ngunit hindi nito sinabi ang lokasyon o nagbigay pa ng karagdagang detalye.

Follow SMNI NEWS in Twitter