Japan, magbibigay ng $27-M na tulong sa Turkiye at Syria

Japan, magbibigay ng $27-M na tulong sa Turkiye at Syria

MAGBIBIGAY ng 27 milyong dolyar na emergency humanitarian aid para sa Turkiye at Syria ang Japan.

Inihayag ni Chief Cabinet Secretary Hirokazu Matsuno sa isang regular news conference na ang Japan ay magbibigay ng 16 na milyong dolyar na emergency grant aid para sa Turkish at Syrian victims.

Magbibigay rin ang Tokyo ng 4 na milyong dolyar na suporta sa dalawang bansa sa pamamagitan ng Japanese non-governmental organization habang nakatakda itong magbigay ng 7 milyong dolyar na trust fund sa pamamagitan ng international community channels.

Ayon kay Matsuno, ang tulong na ipapaabot ng bansa ay para sa muling pagsasaayos ng mga nasirang rehiyon roon.

Ang kabuuang death toll sa dalawang bansa na napinsala ng lindol ay lumagpas na sa 50 libong katao.

Follow SMNI NEWS in Instagram