US, lilimitahan ang mga kumpanya ng S. Korea sa paggawa ng semiconductors

US, lilimitahan ang mga kumpanya ng S. Korea sa paggawa ng semiconductors

INIHAYAG ng isang opisyal ng Estados Unidos na lilimitahan nito ang produksyon ng semiconductors na ginagawa ng South Korea companies sa China.

Ayon kay Alan Estevez, Undersecretary of Commerce for Industry and Security na ang Estados Unidos ay nakikipag-ugnayan na sa mga kumpanya ng South Korea na gumagawa ng semiconductors sa China upang maiwasan ang potensyal na epekto sa mga negosyo nito roon.

Matatandaan na binigyan nito ng isang taong lisensya ang South Korea Semiconductor Producers upang patuloy na gumawa ng mga produkto nito sa China hanggang Oktubre 7 noong nakaraang taon.

Ito ay parte ng US Export Control sa semiconductors at ibang advance technology sa China.

Dagdag ni Estevez, tayo ay nabubuhay na sa panahon na ang teknolohiya na ang nagtatakda ng military power at ang semiconductor ang isang importanteng parte ng teknolohiyang ito.

Follow SMNI NEWS in Instagram