MAGBIBIGAY ng COVID-19 vaccine ang bansang Japan sa mga batang may edad 12 pababa sa darating na Marso.
Nagpaplano ngayon ang gobyerno ng Japan na mas palawakin pa ang pagbabakuna sa mga batang may edad 12 pababa sa darating na Marso dahil sa panibagong wave ng impeksyon sa bansa.
Ayon sa Defense ministry bubuksan muli ang mga mass vaccination center na pinamamahalaan ng self-defense forces sa lungsod ng Tokyo at Osaka sa susunod na buwan upang makapagbigay ng pangatlong shots ng COVID-19.
Layunin ng gobyerno na mas pabilisin ang pagbibigay ng third shot para sa mga matatanda at upang masimulan agad ang booster program para sa ibang age group sa buwan ng Marso.
Nasa higit 18-M karagdagang doses ng US biotechnology firm na Moderna Inc. naman ang gagamitin nito sa nasabing pagbabakuna.