MAGBIBIGAY ng heating equipment ang Japan sa Ukraine bilang paghahanda sa winter season.
Sa isang video message sa international conference para sa tulong sa Ukraine ay inihayag ni Kishida na ang Japan ay magpapadala ng suporta sa Ukraine bilang paghahanda sa winter season nito.
Upang suportahan naman ang Ukraine sa reconstruction nito ay inihayag ni Kishida na ibinahagi ng Tokyo ang karanasan nito sa Kyiv sa paggamit ng debris dahil ito ang ginamit ng bansa nang magkaroon ng paglindol at tsunami sa Japan noong Marso 2011.
Ang mensaheng ito ay ipinadala sa international expert conference on recovery, reconstruction and modernization of Ukraine na pinangungunahan ng Germany at European Commission.
Samantala, magte-take over naman ang Japan sa pagiging pangulo ng Group of Seven Nations sa susunod na taon mula sa Germany.
Kabilang sa G7 ang Britanya, Canada, France, Italy, United States at European Union.