Japan, magho-host pa rin ng 2025 Expo sa kabila ng dinanas na malakas na lindol

Japan, magho-host pa rin ng 2025 Expo sa kabila ng dinanas na malakas na lindol

HINDI babaguhin ng Japan ang plano nitong mag-host ng 2025 World Exposition sa Osaka sa kabila ng lindol na tumama sa bansa noong unang araw ng buwan ng Enero.

Ito ang inihayag ni Yoshimasa Hayashi Chief Cabinet Secretary ilang araw matapos na hikayatin ni Economic Security Minister Sanae Takaichi ang prime minister na huwag ituloy ang event para bigyang prayoridad ang muling pagsasaayos ng Noto Region na naapektuhan ng nasabing lindol.

Ani Hayashi, siniguro ng industry ministry na in-charge sa expo na ang materyales na kinakailangan sa event na isasagawa sa Western Japan City ay hindi makaaapekto sa pagsasaayos ng Noto Peninsula.

Sinabi naman ni Hayashi na ang rekwes ni Takaichi kay Kishida ay hindi naman iba sa nais ng gabinete dahil nakalinya pa rin ito sa mabilis na pagsasaayos ng mga lugar na tinamaan ng lindol.

Bago pa ang magnitude 7.6 na lindol, mayroon nang mga pangamba na posibleng hindi matuloy ang expo sa Yumeshima, isang artificial island sa Osaka Bay sa gitna ng na-delay na paghahanda kasunod ng lumalaking gastos sa mga materyales sa konstruksiyon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble