MAGBIBIGAY muli ang bansang Japan ng 8.78 bilyong pisong loan para sa COVID-19 pandemic response ng bansa.
Sa pahayag ng embahada ng Japan sa Pilipinas, idadaan ang naturang cash assistance sa pamamagitan ng Japan International Cooperation Agency (JICA) sa susunod na buwan.
Ang naturang loan agreement ay may payment period na apatnapung taon at may grace period pang sampung taon ngunit may interest rate itong 0.01% kada taon.
Ito na ang pangatlong tranche na nakuha ng Pilipinas sa ilalim ng Post- Disaster Stand-by Loan (PDSL) phase 02.
Ang naunang dalawang tranche ay nagkakahalaga rin ng 8 billion pesos at ginamit ito bilang panustos sa COVID-19 at sa mga apektadong pamilya sa nagdaang mga bagyo noong 2020.