TATLONG makabagong boya ang itinalaga ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Philippine Rise o mas kilala sa tawag na Benham Rise bilang marka sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.
Kinumpirma ng PCG na naglagay sila ng tatlong makabagong boya sa Philippine Rise na dating tinatawag na Benham Rise.
Sinabi ni Admiral George Ursabia Jr.,Coast Guard Commandant, inilagay sa Philippine Rise ang unang tatlong boya para markahan ang EEZ ng Pilipinas sa naturang lugar at magsisilbi ring paalala na ito ay special protected zone.
Ibig sabihin anya ay mahigpit na ipinagbabawal ang pagmimina o oil exploration doon na pinaniniwalaang mayaman sa natural resources.
Ang Philippine Rise ay matatagpuan sa layong 250 kilometro sa silangan ng northern coastline ng Aurora, at malayo sa mga pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea (WPS).
(BASAHIN: Dalawa pang sovereign markers, itinayo sa mga isla ng Cagayan)