NILUWAGAN ng Japan ang travel warning nito sa 34 na bansa kabilang ang China, South Korea at India.
Noong Biyernes, niluwagan din ng Foreign Ministry ang travel advisory para sa France, Germany at Italy maging sa 11 na bansa sa Europa at ibinaba ito sa Alert Level 1.
Dahil dito ang kabuuang bilang ng lugar na nasa Level 1 Category ay umangat sa 70.
Noong Mayo, ibinaba ng Japan ang 36 na bansa at rehiyon sa pinakamababang antas ng panganib kabilang na ang Estados Unidos, Britanya, Canada at Hong Kong.
Ang pagluluwag ng mga babala sa South Korea ay kasunod ng pagbabalik ng mga flight sa pagitan ng Gimpo Airport ng South Korea at Haneda Airport ng Tokyo.
Samantala, 90 mga bansa at rehiyon naman ang nasa ilalim ng Level 2 warning kabilang ang 16 na bansa sa Asya at 27 naman sa Europa.