PINAHIHINTULUTAN ng Japan na makapasok sa bansa ang karamihan sa mga dayuhang estudyante sa kabila ng entry ban na ipinataw upang maiwasan ang pagkalat ng Omicron variant.
Alinsunod sa exemption policy, plano ng gobyerno na payagan ang 87 dayuhang estudyante na nakatanggap ng state scholarship na makapasok sa bansa simula sa katapusan ng buwan na ito.
Inhayag ng gobyerno na ito ay mga espesyal na kaso, dahil kailangan nilang kumuha ng mga face-to-face classes upang matugunan ang nalalapit na mga deadline para sa pagtatapos o pagkumpleto ng kanilang akademikong gawain.
Aayusin din ng gobyerno ang pagdating ng mga mag mag-aaral sa bansa sa parehong oras hangga’t maaari.
Samantala, hihilingin sa kanila na sumunod sa mga mahigpit na anti-infection measures sa bansa, tulad ng self-isolation sa pasilidad na pinangangasiwaan ng gobyerno.