Pfizer, nag-aplay sa Japan ng approval para sa oral COVID-19 drug

Pfizer, nag-aplay sa Japan ng approval para sa oral COVID-19 drug

POSIBLENG sa mga susunod na buwan ay available na ang oral COVID-19 drug ng Pfizer sa Japan.

Inihayag ng US drugmaker na Pfizer na nag-apply ito ng approval mula sa gobyerno ng Japan para sa oral COVID-19 drug.

Ayon sa Pfizer, ang aplikasyon na ito ay base sa phase two to three trials na ginawa nito na parte ang Japan.

Dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Japan ay umaasa ito sa oral treatment upang maiwasan ang mataas na bilang ng pagkasawi.

Umaasa rin si Prime Minister Fumio Kishida na makakapamahagi ito ng oral pills sa susunod na buwan matapos masiguro ang dalawang milyong suplay noong Disyembre.

Kaugnay nito ay nagsimula na sa pamamahagi ng molnupiravir pills ang Japan matapos magkaroon ng kasunduan sa Merck & Co. Inc na magbabayad ito ng 1.2 bilyong dolyar para sa 1.6 bilyong pills.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.