Japanese head ng WHO sa Western Pacific Office, tanggal na sa puwesto

Japanese head ng WHO sa Western Pacific Office, tanggal na sa puwesto

INIHAYAG ng World Health Organization (WHO) na tinapos na nito ang kontrata ng Japanese chief ng Western Pacific Office kasunod ng internal na imbestigasyon.

Hindi naglabas ng detalye ang WHO pero nasuspinde na si Takeshi Kasai bilang regional director kasunod ng alegasyon ng pagiging racist at pagiging abusado sa mga staff members sa office nito sa Maynila.

Naglunsad ng pormal na imbestigasyon para sa mga alegasyong ito nang unang maiulat ito noong Enero ng nakaraang taon.

Ang desisyon para i-dismiss si Kasai ay kasunod ng closed door meetings sa Takeshi Kasainoong nakaraang buwan at ng executive board ngayong linggo.

Matatandaan na si Kasai ay itinalaga bilang regional director sa Western Pacific para sa 5 taong termino noong Pebrero 2019.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter