Jema Galanza at Tots Carlos, kasama na sa Alas Pilipinas pool

Jema Galanza at Tots Carlos, kasama na sa Alas Pilipinas pool

KASAMA na sa Alas Pilipinas pool sina Jema Galanza at Tots Carlos ng Creamline Cool Smashers.

Magugunitang pawang nakapaglaro na ang dalawa para sa national team nang mapili ang Creamline bilang representative ng bansa sa 2022 AVC Challenge Cup.

Ang dalawa ay nakailang awards na rin kung kaya’t napatunayan na ang de-kalibre nitong galing sa volleyball.

Nauna namang nakalista bilang players ng Alas Pilipinas sina Carlos at Galanza para sana sa 2024 AVC Challenge Cup subalit tumanggi ang dalawa para bigyang-daan ang celebratory trip ng Creamline sa Spain.

Samantala, inihayag na rin ni Alas Head Coach Jorge de Brito na nais niyang masali sa Alas Pilipinas pool sina Mars Alba at Maddie Madayag ng Choco Mucho; Ivy Lacsina, Alyssa Solomon, Bella Belen, at marami pang iba.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble