INANUNSIYO na ng food-focused channel na First We Feast na magiging guest ng web talk show na ‘Hot Ones’ si Jennie ng BLACKPINK.
Sa lahat ng fans, matutunghayan ang artist sa Hunyo 19 episode ng show.
Sa ‘Hot Ones’ ay isang interview kung saan ang mga guest ay tinatanong habang kumakain ng spicy fried chicken wings.
Bago si Jennie ay nauna nang naging guest dito ang kapwa BLACKPINK member na si Rosé noong Nobyembre 7, 2024 at si Lisa noong Pebrero 28, 2025.