Jericho March sa ika-2 araw ng prayer rally sa Liwasang Bonifacio, matagumpay

Jericho March sa ika-2 araw ng prayer rally sa Liwasang Bonifacio, matagumpay

MAS mahaba at matagal na pag-martsa ang ginawang Jericho March sa ika-2 araw ng 7-Day Laban Kasama ang Bayan Prayer Rally sa Liwasang Bonifacio sa Maynila.

Nag-martsa ang mga ito sa daan pabalik sa entablado ng Liwasang Bonifacio habang umaawit sa saliw ng mga trumpeta at drums ng orchestra.

Inaangkin na ang katagumpayan sa laban na ito para sa bayan dahil may Diyos na siyang may kontrol ng lahat.

Inaasahang bukas muli ng alas tres ng hapon ay mas marami ang sasali kung saan hindi na iniisip ng tao ngayon ang pagkakaiba ng relihiyon dahil ito ay Laban Kasama Ang Bayan.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter