Jerwin Ancajas, panalo sa kaniyang comeback fight

Jerwin Ancajas, panalo sa kaniyang comeback fight

AUTOMATIC panalo si Jerwin Ancajas sa kaniyang comeback fight nitong Linggo, Setyembre22.

Ito’y dahil na-disqualify ang kalaban niyang Thai national sa fifth round.

Batayan nito ang deducted points ng Thai dahil tinulak nito si Ancajas kasabay ang clinch technique sa boxing.

Ang clinch ay technique ng isang boxer kung saan niyayakap nito ang kalaban upang hindi makagalaw at hindi makasuntok.

Isinagawa ang laban ni Ancajas at ng Thai national sa Mandaluyong City College Gym bilang bahagi ng Manny Pacquiao blow-by-blow, isang weekly sports television boxing program.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble