Job fair para sa naghahanap ng trabaho sa abroad, isasagawa ng DMW

Job fair para sa naghahanap ng trabaho sa abroad, isasagawa ng DMW

MAGSASAGAWA ng isang mega job fair ang Department of Migrant Workers (DMW) para sa mga naghahanap ng trabaho sa ibang bansa.

Ang naturang mega job fair ay isasagawa ngayong Mayo 1 sa selebrasyon ng Labor Day.

Gaganapin ito sa Blas Ople Building sa Ortigas Avenue, corner EDSA sa Mandaluyong City.

Paalala naman ng DMW sa mga job seeker na magdala ng maraming resume, kopya ng pasaporte, at ballpen.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter