Ilang business establishments sa Mandaluyong City, nakitaan ng paglabag ng SSS

Ilang business establishments sa Mandaluyong City, nakitaan ng paglabag ng SSS

NAG-ikot ang Social Security System (SSS) sa ilang business establishments sa Mandaluyong City, Biyernes ng umaga.

Upang masiguro na napapangalagaan at napapanatili ng mga employer ang karapatan ng kanilang mga empleyado.

Ito ay para ipaalala rin sa mga employer ang kanilang mga obligasyon.

Isa-isang tinungo ng mga kinatawan ng SSS ang 13 business establishments sa Mandaluyong City, umaga ng Biyernes.

Ito ay para isilbi sa mga employer ang notice of violation dahil sa hindi paghuhulog ng mga ito sa buwan ang kontribusyon para sa kanilang mga empleyado.

Ang naturang hakbang ng SSS sa ilalim ng Run After Contribution Evaders (RACE) ay naglalayong ipaalala sa mga may-ari ng negosyo ang kanilang obligasyon na pangalagaan ang karapatan ng kanilang mga empleyado at isa na nga rito ang buwanang kontribusyon sa SSS.

Isa sa mga pinuntahan ng SSS ay ang establisyemento na mayroong 18 empleyado,

Paano naman kasi umabot na sa mahigit isang P1-M ang utang nito sa SSS para sa benepisyo ng kanilang mga manggagawa.

Hindi na humarap ang may-ari ng establisyemento ngunit sabi ng staff na bago pa sila nag-take over sa nabanggit na negosyo ay inaayos pa umano nila sa dating may-ari ang iba pang mga papeles.

Itong isa naman, ipinangako nila sa SSS na tatalima sila sa batas at aayusin ang gusot sa lalong madaling panahon.

Ngunit kung ang iba ay naiintindihan ang ginagawa ng SSS, meron namang iba na hindi ito nagustuhan ng SSS.

Sinabi nito na wala silang pinipili sa pagpapatupad ng batas at umaapela ito sa mga business owners na sana ay maintindihan ng mga ito ang kanilang ginagawa dahil para lang naman ito sa kapakanan ng mga manggagawa.

Inabot din ng ilang oras ang SSS bago nila natapos ang pagsisilbi ng notice of violations sa 13 business establishment sa Mandaluyong.

Samantala sa kabilang banda, hinikayat naman ni Mandaluyong Vice Mayor Carmelita “Menchie” Abalos ang mga empleyado sa kanilang lugar na magparehistro at maghulog ng buwanang kontribusyon ng SSS para sa sariling seguridad aniya imbes na gumastos para sa bisyo ilaan nalang ito sa SSS.

Para naman kay Voltaire Agas, executive vice president at branch operations sector ng SSS NCR East Division malaking tulong ang pagpapasiguro sa SSS dahil hindi lang ang sarili ang makakatanggap ng benepisyo kundi pati na rin ang pamilya nito.

Follow SMNI NEWS in Twitter