Job fair sa Labor Day at Kadiwa, pangungunahan ng DOLE

Job fair sa Labor Day at Kadiwa, pangungunahan ng DOLE

PANGUNGUNAHAN ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pamamahagi ng tulong mula sa pamahalaan, Kadiwa, job fair nationwide sa May 1, 2023.

Ito ay bahagi ng pagdiriwang ng ika-121 taon ng Labor Day ang tatlong pangunahing aktibidad.

Ang pagsasagawa ng ‘Kadiwa ng Pangulo Para sa Manggagawa’ ay upang matulungan ang mga manggagawa na makabili ng mga produkto sa abot-kayang presyo.

Ito’y sa sa pakikipagtulungan ng Department of Trade and Industry (DTI) at ng Department of Agriculture (DA).

Pangungunahan din ng DOLE ang pamamahagi ng tulong sa pamamagitan ng suweldo sa mga benepisyaryo ng programang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD), Special Program for Employment of Students (SPES), at Government Internship Program (GIP) sa buong rehiyon.

Magsasagawa rin ng magkakasabay na job fair sa iba’t ibang mall sa buong bansa ang DOLE kung saan ang pangunahing job fair site ay sa National Capital Region (NCR).

Ang pagdiriwang sa Araw ng Paggawa ngayong taon ay may temang, “Pabahay, Bilihing Abot-Presyo, Benepisyo ng Matatag na Trabaho Para sa Manggagawang Pilipino.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter