NANAWAGAN ang ilang mga netizens na dapat nang i-ban sa pagba-basketball si NCAA awardee, Heavy Bomber basketball player na si John Amore ng Jose Rizal University sa tanang buhay nito.
Matatandaan nitong 98th NCAA Seniors Basketball Tourney Second Round Elims Rematch noong Martes ng hapon sa Filoil EcoOil sa San Juan ay napikon si John Amore at nanapak ng dalawang player ng College Saint Benilde sa game.
Nambangga ng kapwa player, inaway ang mga referee, sumugod sa bench ng Benilde at pinagsasapak ang ilang player na gaya nina James Pasturan at Taine Davis.
Dahil dito, ilang netizen ang nanawagan na i-ban si Amore dahil hindi lamang ito unang beses na nangyari kay Amore.
Matatandaan nitong nakaraang buwan ay idinemanda si Amore ni UP Fighting Maroons Mark Belmonte sa QC Prosecutor Office noong Setyembre 7 dahil sa pananakit sa UCBL Preseason Game noong Hulyo 26 dahil nagtamo ng isang gum fracture, teeth dislocation, and mouth lacerations si Belmonte.
Kaya naman hindi maiwasang mabahala ng ilang netizens sa mga aksyon ni Amore sapagkat nagiging threat umano ang nasabing player hindi lamang sa mga players kundi maging sa mga audience.