SINIMULAN na ni WBO Bantamweight Champion John Riel Casimiro ang training nito para depensahan ang titulo laban kay Paul Butler.
Dumating na ang Pinoy boxer sa Los Angeles kung saan ito mag-eensayo sa laban na itinakda ngayong Disyembre a-onse.
Ito na rin ang ikaapat na laban ni John Riel Casimiro na kanyang dedepensahan ang title na napanalunan mula kay Zolani Tete via third round technical knockout noong November 2019.
2021 Swimming National Selection Meet sa New Clark City Aquatics Center, nagsimula na
Nagsimula na ngayong araw ang 2021 Swimming National Selection Meet sa New Clark City Aquatics Center sa Capas, Tarlac.
Ito’y matapos payagan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang request ng Philippine Swimming INC.
Ang PSI ang nangangasiwa sa swimming at iba pang aquatic sports sa bansa at akreditado ito ng International Swimming Federation na namamahala naman sa sports ng swimming sa buong mundo.