Libu-libong trabaho para sa mga Pilipino, nag-aantay sa Taiwan

Libu-libong trabaho para sa mga Pilipino, nag-aantay sa Taiwan

LIBU-LIBO pang mga trabaho sa Taiwan ang nag-aantay para sa mga Pilipino.

Ayon sa Polo-Taiwan, karamihan ng mga employer doon nais nila ang mga pilipinong manggagawa.

Dahil sa ipinatutupad na travel restriction ay hindi pa pinapayagan ang mga foreign workers na pumasok sa Taiwan.

Tinayang nasa tatlong libo pang mga Filipino na nasa Pilipinas ang nag-aantay para makapasok sa Taiwan na karamihan ay balik-manggagawa o new hire.

Sa isang virtual presser ng DOLE ay sinabi ni Labor Attache Bienvenido Cerbo ng Polo-Taichung, Taiwan, karamihan sa mga pilipino na nag-aantay ng kanilang mga trabaho sa Taiwan ay nasa industriya ng electronic factory workers, engineers, construction, english teachers at iba pa.

Pero dahil pa rin sa ipinatutupad na boarder restriction dahil sa pandemya ay hindi muna pinapapasok sa Taiwan ang mga foreign workers maliban na lamang sa Taiwan nation at foreign with visa residence.

“We have around 40k na kailangan na mga tao…can be accomodated as Filipinos,’’ayon kay Cerbo.

Sa ngayon ayon pa kay Cerbo, sa 149,000 na mga Filipino workers sa Taiwan, 55,000 dito ay nagtatrabaho sa electronic industry.

Aminado din kay Cerbo sa kabila ng paghihigpit dahil sa pandemya ilan lang sa mga kababayan natin doon ang nawalan ng trabaho.

SMNI NEWS