Joint oil exploration, magandang tingnan ang kahihinatnan—Research Fellow

Joint oil exploration, magandang tingnan ang kahihinatnan—Research Fellow

MAGANDANG tingnan ang kahihinatnan ng napagkasunduang joint oil exploration kung nakakabenepisyo ba sa Pilipinas.

Ito ang sinabi ni Lucio Pitlo III, isang research fellow ng Asia-Pacific Pathways to Progress Foundation (APPPF) sa panayam ng SMNI News.

Lalo na aniya, na paubos na ang langis na nakukuha sa Malampaya.

Sa isang banda, naiintindihan ni Pitlo ang pangamba na posibleng magiging mas malakas pa ang presensiya ng China sa teritoryo ng Pilipinas gaya ng sa West Philippine Sea kung matutuloy ang joint oil exploration.

Nitong April 4 nang inanunsiyo ng Department of Foreign Affairs (DFA) na magpapatuloy sa buwan ng Mayo ang talakayan sa pagitan ng Pilipinas at China hinggil sa joint oil exploration sa West Philippine Sea.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter