MAGPAPATULOY ang pagsasagawa ng joint patrols ng Pilipinas at Estados Unidos sa West Philippine Sea (WPS).
Ito ay upang mapangalagaan ang “freedom of the seas” at “freedom of airspace” sa rehiyon.
Ayon kay U.S. Indo-Pacific Command commander Admiral John Aquilino, ang joint sail ng Philippine Navy at United States Navy sa Palawan nitong Setyembre 4 ay ang unang joint patrol na inaprubahan ng dalawang bansa.
Layunin nito ang long-term activities sa kapakinabangan ng mga bansa upang matiyak ang kapayapaan at pag-unlad sa rehiyon.
Sinabi naman ni AFP chief of staff General Romeo Brawner, Jr. na may ilan pang bansa ang interesado na sumama sa joint patrols ng Pilipinas at Amerika.
Kasalukuyan aniya itong pinag-uusapan upang maisapinal ang plano.