BUMISITA si Rear Admiral Eric Ruttenberg, Reserve Director for Maritime Operations ng United States Pacific Fleet sa headquarters ng Philippine Navy sa lungsod ng Maynila.
Mainit siyang tinanggap ni Philippine Navy Vice Commander Rear Admiral Caesar Bernard Valencia.
Kaugnay nito, tinalakay ng Pilipinas at Estados Unidos ang napakahalagang ambag ng reservists sa regular force ng Navy.
Napag-usapan din nila ang future naval programs, facilities, at information technology infrastructure.
Pinasalamatan ni Valencia si Ruttenberg at umaasa sa mas malakas na pakikipagtulungan na malaki ang pakinabang sa dalawang bansa.
