Joint proposal ng DOTr at MIAA para sa NAIA upgrading, naisumite na sa NEDA

Joint proposal ng DOTr at MIAA para sa NAIA upgrading, naisumite na sa NEDA

NAISUMITE na sa National Economic and Development Authority (NEDA) ang joint proposal hinggil sa pagpauunlad ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ibinigay ito ng Department of Transportation (DOTr) at Manila International Airport Authority (MIAA) nitong Hunyo 2, 2023.

Nilalaman ng proposal na madagdagan ang kapasidad ng NAIA at matiyak ang mas ligtas na operasyon.

Layunin din ang mas maiksing paghihintay at proseso habang magiging komportable at maka-moderno ang pasilidad.

Ang proyekto ay magiging public-private partnership din at maaaring mag-operate ang private concessionaire ng 15 taon para ma-recover nito ang kanilang investment.

Nauna nang sinabi ng DOTr na posibleng aabutin ng P100-B ang igugugol para dito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter