Judge na humahawak sa drug case ni De Lima, nagbitiw

Judge na humahawak sa drug case ni De Lima, nagbitiw

KINATIGAN ng huwes ng Muntinlupa City RTC ang hiling ng prosekusyon na mag-inhibit ito sa natitirang drug case ni dating Senator Leila de Lima.

Sa desisyon na inilabas ngayon ay tinanggap ni Judge Abraham Joseph Alcantara ang inihaing motion for voluntary inhibition na inihain naman kaninang umaga.

Iginiit ng Department of Justice (DOJ) prosecutors na hindi na dapat hawakan ni Judge Abraham Joseph Alcantara ng Muntinlupa City RTC Branch 204 ang kaso ni De Lima.

Ito’y dahil siya rin ang huwes sa naunang dalawang kaso ni De Lima na nagbasura sa mga reklamo.

May duda sila na posibleng ibasura din ang natitirang kaso ng dating mambabatas.

Una nang nag-inhibit ang dating huwes sa naturang kaso matapos itong hilingin ng mga abogado ni De Lima dahil nadiskubre na kapatid nito ang abogado ng isa sa mga testigo.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter