HINDI lang beauty and brains si Juliana Gomez dahil athlete din ang unica hija ng mga artista at politiko na sina Richard Gomez at Lucy Torres.
Pinatunayan niya ang kanyang talento at galing sa fencing at napabilang kamakailan sa Women’s Epee National Team para sa paparating na SEA Games na gaganapin sa bansang Thailand ngayong Disyembre.
Ayon kay Juliana, isang karangalan na irepresenta ang Pilipinas sa SEA Games. At natuto rin siya ng fencing dahil sa kanyang daddy na naging miyembro ng national fencing team sa loob ng ilang taon.
Matagal na niya itong pinaghirapan- sinubukan niyang lumahok sa Philippine Fencing Association ranking kabilang ang SEA Games selection periods ng taong 2021 at 2024, kaya naman isa itong fulfilled dream para sa young athlete.
Goal ni Juliana na makakuha ng gold para sa Pilipinas. At excited na rin siyang ipakita sa mundo ang galing ng Pilipino sa nasabing sport.