NAKAMIT ni Juliana Gomez, anak nina 4th District Rep. Richard Gomez at Ormoc City Mayor Lucy Torres ang gintong medalya sa ginanap na UAAP Season 85 Fencing Tournament.
Sa kanyang social media post, laking pasalamat ni Juliana sa pagkapanalo nito na aniya 2 taon niyang pinaghandaan.
Samantala, hindi naman maiwasang maging emosyonal ang kanyang ama na si Richard sa pagkapanalo ng kanyang anak.
Matatandaan na, kamakailan lang ay nanalo rin ng gintong medalya sa West Java Fencing Challenge 2022 sa Bogor, Indonesia si Juliana.