Justice Secretary Remulla, mananatili sa puwesto

Justice Secretary Remulla, mananatili sa puwesto

TINIYAK ni Justice Secretary Crispin Remulla na hindi siya magre-resign kaya mananatili pa rin siya sa puwesto.

Ito ay makaraang sumailalim sa heart surgery sa Asian Hospital nitong Hunyo 27.

Kanina ay humarap sa press conference si Remulla kasama ang halos lahat ng assistant at mga undersecretaries pero nilinaw ng kalihim na hanggang sa Martes pa ang bisa ng kaniyang wellness leave.

Tiniyak naman ni Remulla na hindi nakaapekto sa trabaho ng DOJ ang pangyayari dahil nakatutok naman lahat ng mga opisyal.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter