K-pop sub-unit na CBX, sasali pa rin sa group activities ng EXO sa ilalim ng SM Ent.

K-pop sub-unit na CBX, sasali pa rin sa group activities ng EXO sa ilalim ng SM Ent.

SASALI pa rin sa group activities ng EXO sa ilalim ng SM Entertainment ang K-pop sub-unit na CBX.

Tiniyak ng INB100, ang record label na itinayo ni Baekhyun ng EXO na hindi makakaapekto ang kasalukuyang isyu na hinaharap nila sa magiging release ng isang winter album ng grupo.

Partikular na nahaharap sa isyu ang sub-unit ni Baekhyun kasama ang kapwa EXO members na sina Chen at Xiumin.

Sa isang pahayag, sinabi ng nabanggit na record label na ang press conference nila nitong Hunyo 10 ay ginawa para ipaalam sa publiko ang pagiging hindi patas ng kanilang original talent agency na SM Entertainment hinggil sa music revenues.

Kaugnay rito ay ipinangako ng INB100 na sasali pa rin sa future group activities ng EXO sina Chen, Baekhyun, at Xiumin na bumubuo ng sub-unit na kung tawagin ay EXO-CBX kahit may legal battles ito.

Sa panig ng SM Entertainment, sinabi rin nito na walang pagbabago sa napagkasunduan na nilang release ng isang winter album ng EXO ngayong taon.

Ang EXO bilang grupo ay magpro-promote sa ilalim ng SM Entertainment habang ang EXO-CBX ay sa INB100 ang promotions.

Hinggil sa pagtatayo ng sariling record label, si Kyungsoo ng EXO o mas kilala bilang D.O. ay mayroon ding solo promotions sa ilalim ng kaniyang Company Soosoo.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble