NANANAWAGAN si Ka Eric kay Pangulong Bongbong Marcos Jr. at Sen. Risa Hontiveros na ipatawag at imbestigahan ang mga makakaliwang kongresista sa ika-anim na araw ng Laban Kasama ang Bayan Prayer Rally sa Liwasang Bonifacio, Maynila.
Bakit hindi aniya unahing imbistigahan ang mga makakaliwang kongresista sa loob mismo ng gobyerno.
Ang CPP-NPA-NDF at mga kasama nito sa gobyerno ang tunay na kalaban ng bayan at hindi si Pastor Apollo C. Quiboloy, Dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, at Vice President Sara Duterte dahil sila ay tumutulong sa bansa.
Hinahamon ni Ka Eric si Hontiveros na bakit inuunang iniimbistigahan at pinapahiya si Pastor Apollo ngunit ang mga nira-rape na mga estudyante na sumapi sa NPA ay hindi niya pinaiimbistigahan.