Kadiwa ng Pasko at iba pang programa ni PBBM, aprub sa mga Pinoy –Publicus Asia Survey

Kadiwa ng Pasko at iba pang programa ni PBBM, aprub sa mga Pinoy –Publicus Asia Survey

APRUBADO sa mga Pinoy ang Kadiwa ng Pasko at iba pang programa ni Pangulong Bongbong Marcos Jr.

Ayon sa Publicus Asia Survey nagsalita na ang mayorya sa mga Pilipino kaugnay sa ilang mga programa ng Marcos administration.

Halos mag-aanim na buwan na sa pwesto si PBBM ngayong Disyembre.

At ang mga problema ng bansa na kanyang dinatnan, hindi basta-basta.

Kabilang na rito ang pagtaas sa presyo ng mga bilihin.

At batay sa Pahayag 2022 End-of-the-Year Survey ng Publicus Asia, aprubado ng mayorya ng mga Pinoy ang agarang solusyon na inilatag ng Pangulong Marcos.

Sa survey, 84% sa 1,500 adult respondents mula sa iba’t ibang parte ng bansa ang aprubado ang Kadiwa ng Pasko project ng pamahalaan.

Ang Kadiwa ay isang nationwide rolling store kung saan mura ang bentahan ng basic goods.

Dito, P25 lamang ang per kilo ng bigas.

Bukod sa murang bigas, mabibili rin sa mga Kadiwa ng Pasko stalls ang mga murang gulay at iba pang pagkain.

14 na Kadiwa ng Pasko ang binuksan ngayong taon, 11 ay nandito sa Metro Manila, isa sa Tacloban City, isa sa Davao de Oro, at isa sa Koronadal City, South Cotabato.

Aprubado rin ng 8-10 Pinoy sa survey ang government response sa mga nagdaang kalamidad.

At ang pagpapatupad ng hybrid work arrangement.

80% rin ng mga Pinoy ang nais ipagpatuloy ang Libreng Sakay Program ng EDSA Carousel.

Pati na ang VAT exemption sa buwanang bill sa kuryente at tubig.

Samantala, 78% ng mga sumali sa survey ang ‘strongly approved’ sa infrastructure programs ng pamahalaan.

Sa ilalim ng Build Better More program ng administrasyon, pagtutuunan ang pagtatayo ng farm to market roads.

Ongoing na rin ang pagtatayo sa Samal Island-Davao City Bridge, Central Luzon Link Expressway at ang Metro Manila subway.

Suportado rin ng masa ang programang pang-ayuda ng pamahalaan na may 77% net score.

Lalo na ang mga pang-ayuda sa mga nasa below poverty line gaya ng mga magsasaka, mangingisda maging ang mga estudyante.

Ginawa naman ang survey mula November 25-30 ngayong taon.

“Makikita natin young Libreng Sakay, napakalaki doon sa bus carousel. Doon sa usapin na aalisin ang value added tax sa exemption sa electricity and water almost 80% yoon no? Yung Kadiwa sa Pasko na-launched recently, malaking bagay ‘yon kasi dala mo yung kakulangan ng produktong na mura,” ayon kay Publicus Founder and CEO Malou Tiquia.

Ayon kay Tiquia na kailangan lamang tukuyin ng pamahalaan ang eksaktong schedule ng Kadiwa Stores kada buwan.

Sa resulta naman ng survey, umaasa si Tiquia na pag-iibayuhin pa ng administrasyon ang pagpapaabot sa mga pangunahing pangangailangan ng mga Pilipino.

Para mas maging produktibo ang pagpasok ng bagong taon.

“Napaka-importante ng value chain at kalihim ng agrikultura si Presidente. Siguro maiayos yoon, napakahalaga yaan sa mga susunod na buwan lalo na sa pagpasok ng bagong taon. Ibaba lamang sa komunidad, mag-explain sa komunidad, paratingin anong mga programa yan at siguruhin na stable at sustainable ang rollout, sa tingin ko malaking bagay yun sa administrasyon na ito,” ani pa Tiquia.


Follow SMNI NEWS in Twitter