SANG-ayon si Chief of Presidential Protocol at Presidential Adviser on Foreign Affairs Undersecretary Robert Borje sa panawagan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na dapat buwagin ang Kafala System na pinaiiral sa Gitnang Silangan.
“It’s a traditional system that’s done in the Middle East defining the relationship between the employer and the employee and para kay Pangulong Duterte, klaro siya sa sinabi niya na ito ay an unjust system at kailangang buwagin,” pahayag ni Borje.
Ani Usec. Borje, nalalagay sa alanganin ang mga overseas Filipino worker (OFW) dahil sa Kafala System.
Bukod pa rito, inihayag ni Department of Foreign Affairs Undersecretary Sarah Lou Arriola, na mayroon ng mga bansa sa Gitnang Silangan ang nagrereporma na ng Kafala System tulad ng Bahrain at Qatar.
Sa ngayon, gumagawa na rin ng reporma ang Saudi Arabia tungkol sa sistemang ito simula Marso 14, 2021.
Dahil dito, maaari nang maka-alis sa kanyang employer ang isang empleyado kahit ayaw ng amo at maaari na itong bigyan ng exit visa ng gobyerno sa Gitnang Silangan.