Kagutuman, nananatiling talamak na problema sa Asya—UN

Kagutuman, nananatiling talamak na problema sa Asya—UN

INIULAT ng United Nations Food and Agriculture Organization na nananatiling kagutuman ang talamak na problema sa Asya.

Noong 2022 ay tinatayang nasa 55 milyong katao ang “undernourished” o kulang sa nutrisyon.

Madalas na matatagpuan ang mga ito sa South Asia at kababaihan ang kalimitang walang sapat na makain.

Ayon sa UN, nakikitang pangunahing dahilan nito ay ang climate change at ang digmaan na nangyayari sa pagitan ng Russia at Ukraine.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter