EXCITED na ang basketball player na si Kai Sotto na sumailalim sa mentorship ni Coach Tim Cone.
Sa katunayan, ayon sa basketball player, nasasabik siya na makasama si Cone dahil isa siya sa mga tagahanga ng coach.
Huling nakapaglaro para sa bansa si Sotto noong Setyembre 2023 nang matalo ng Gilas Pilipinas ang China sa FIBA World Cup classification game.
Sa kasalukuyan, isa si Sotto sa mga basketball player na naghahanda sa gaganaping first window ng FIBA Asia Cup Qualifiers.