Kai Sotto, malabong makalaro sa FIBA Asia Cup – Chot Reyes

Kai Sotto, malabong makalaro sa FIBA Asia Cup – Chot Reyes

SINABI ni program director Chot Reyes na malabong makita sa aksyon ang 7-foot-3 na si Kai Sotto sa Gilas Pilipinas para sa FIBA Asia Cup na sisimulan na sa Hulyo 12 sa Indonesia.

Ayon kay Reyes, lagpas na ng isang linggo simula nang magpadala sila ng Asia Cup invitation kay Sotto na kamakailan lamang ay hindi napili sa NBA Draft.

Ani Reyes, hindi pa naman tuluyang tumatanggi ang kampo ni Sotto sa paglahok sa Asia Cup ngunit hindi rin naman ito sumasang-ayon.

Muling makikipagtunggali ang Gilas Pilipinas sa New Zealand at India sa Asia Cup matapos itong mapasama sa Group D.

Follow SMNI NEWS in Twitter