Kakulangan sa mental healthcare professional, kailangan dagdagan –DOH

Kakulangan sa mental healthcare professional, kailangan dagdagan –DOH

KAILANGANG dagdagan ang mental healthcare professional na sinasanay ng Department of Health (DOH).

Ito ang inihayag ni Health Undersecretary Beverly Ho sa kanyang talumpati sa National Mental Health Summit ngayong taon na ginanap sa Taguig City.

Aniya layunin nito na simulan ang koordinasyon sa mga mental health services, ibig sabihin ay hindi na kailangang maging specialist-oriented.

Dagdag pa ni Ho na siya ring opisyal na namamahala sa pangkat ng pampublikong serbisyo sa kalusugan ng DOH wala silang sapat na mga mental health workers ngunit ayaw niyang umasa sa mga espesyalista.

Binigyang-diin niya na ang mga frontline health worker, hanggang sa antas ng barangay, ay dapat makapagbigay ng pagpapayo o mag-refer ng mga pasyente sa mental health sa naaangkop na pasilidad ng kalusugan o doktor.

Samantala sa loob ng maraming taon, pinaninindigan ng DOH na sa bawat 100,000 Pilipino, mayroon lamang tatlong mental health professional tulad ng mga psychiatrist, psychologist at psychiatric nurses.

Layunin ng ahensyang pangkalusugan na doblehin ang bilang na ito sa loob ng 5 taon.

Gayunpaman sinabi rin ni Ho na ang pagtaas ng bilang ng mga manggagawa sa mental health workers ay mangangahulugan din ng pagtatatag ng isang “specialist-oriented system,” na hindi kabilang sa mga kasalukuyang prayoridad ng DOH.

 

Follow SMNI News on Twitter